Ilegal na Talipapa sa Nalsian Sur, Inilipat sa Bagong Tayong Talipapa

Isang ilegal na talipapa sa Brgy. Nalsian Sur ang dinemolish at inilipat ng Road Clearing Task Force noong June 17 sa isang bagong tayong talipapa.

Ito ay upang mapigilan ang peligrong dulot ng dating talipapa sa mga mamimili at motorista. Mula sa gilid ng highway, ang mga vendors ay inilipat sa bagong gawang talipapa sa katabing looban, sa pagtutulungan ng BPSO, PNP, MDRRMO, Engineering, at SEE.