Noong June 18, 2025 muling dumating ang DA-PhilRice para pulungin ang RiceBIS 2.0 Site Working Group nito sa pangalawang pagkakataon sa Bayambang.
Dumalo ang mga opisyal at representatives ng Department of Agriculture-Regional Field Office 1 (DA-RFO-1), Office of the Provincial Agriculturist (OPAG), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Science and Technology (DOST), Philippine Center for Post-harvest Development and Mechanization (PhilMech), Department of Trade and Industry (DTI), Local Government Unit ng Natividad, Pangasinan at ang E-Agro.
Kanilang kinumusta ang progreso ng RiceBIS implementation at ang proposed work plan of activities sa second semester ng 2025, pati na rin ang mga sustainability strategy para masiguro na tunay na epektibo ang proyekto. Napag usapan din dito ang mga future plans ng RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative (RBAC) at kung paano mas mapapalago at mapapataas ang kita ng kooperatiba.
Mainit silang tinanggap ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at ang Municipal Agriculture Office ng Bayambang.