Ikalawang Batch ng SPES Beneficiaries, Tumanggap ng Sahod

Nakatanggap na ng kanilang sahod ang pangalawang batch ng mga benepisyaryo ng Special Program for the Employment of Students (SPES).

Sa pamamahaging ginanap kahapon, Hulyo 30, 2026, 15 sa kabuuang 25 na kwalipikadong estudyante ang tumanggap ng kabayaran mula sa Municipal Treasury Office.

Sa programang ito, sagot ng LGU ang 60% ng sahod, na nagkakahala ng P6,902.76, at sagot naman ng DOLE ang 40%, na nagkakahalaga ng P4,601.84, kaya’t ang batch na ito ng SPES beneficiaries ay nakatanggap ng halagang P11,504.60.

Naging saksi sa bayaran ang PESO personnel na si G. Romar B. Piapa Cruz at kinatawan ng DOLE-Central Pangasinan Field Office na si G. Louie F. Ventura.

Ang SPES ay mahalagang tulong ng gobyerno sa mga kapus-palad na mag-aaral na ituloy ang pag-aaral, nagbibigay ng karanasan sa trabaho, at nagpapagaan sa gastusin ng mga magulang.

Patuloy ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, PESO, at DOLE para sa natitirang benepisyaryo at maayos na pagpapatupad ng programa. (RSO; photos: PESO)