Noong August 24, 2023, ipinagdiwang ang ika-anim na taong anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan, ang programa na idineklara ni dating Mayor Cezar T. Quiambao noong August 27, 2017 upang tuluyang mawakasan ang kahirapan sa bayan ng Bayambang.
Sa isang simpleng programa na parte ng quarterly Municipal Advisory Council meeting sa Events Center, pinangunahan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team sa ilalim ni Dr. Rafale L. Saygo ang detalyadong pag-uulat kung ano na nga ba ang narating ng ating bayan ayon sa mga nakapaloob na proyekto at aktibidad sa limang sektor ng Bayambang Poverty Reduction Action Plan 2018-2028: Good Governance, Sociocultural Development and Social Protection, Agriculture Modernization, Economic & Infrastructure Development, at Environmental Protection and Disaster Resiliency.
Nag-ulat din ang mga DSWD ROI Municipal Links ng kanilang mga naging aktibidad sa 2nd quarter ng taon, para sa mga 4Ps at Sustainable Livelihood Program beneficiaries. Kabilang sa mga nag-ulat sina John Christopher Rosquita, Roxanne Torio, Jemalyn Labarejos, Joyce Salinas, at Kimberly Aquino.
Ang 6th anniversary celebration ay dinaluhan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at former Mayor Cezar T. Quiambao via Zoom, Vice-Mayor IC Sabangan, Municipal Councilors, MSWDO Kimberly Basco at iba pang LGU department at unit heads, at mga representante mula sa 12 basic sectors ng komunidad, kabilang ang farmers, OFWs, academe, CSOs, at PWDs.