Ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang apat na parangal para sa mga natatanging tagapagpatupad ng mga programang pangnutrisyon sa mga barangay at paaralan, bilang pagkilala sa kanilang patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng mga mamamayan.
1. Search for Outstanding Barangay Nutrition Committee (BNC)
Sa taunang validasyon upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng Barangay Nutrition Action Plans, itinanghal na Kampyon ang Sancagulis BNC at tumanggap ng ₱20,000. Sinundan ito ng mga nagwaging:
1st Runner-Up: Zone 6 BNC – ₱15,000
2nd Runner-Up: Magsaysay BNC – ₱10,000
3rd Runner-Up: Hermoza BNC – ₱7,000
4th Runner-Up: Manambong Sur BNC – ₱5,000
Kabilang sa mga nagsagawa ng validasyon ang MNAO, MAO, Office of Barangay Accounting, at MLGOO.
2. Search for Outstanding Schools in Nutrition Program Management
Mula sa programang sinimulan noong 2022, pinarangalan ang mga paaralang nagpakita ng kahusayan sa nutritional status reporting, canteen management, WASH and WINS, Gulayan sa Paaralan, at iba pang best practices.
Kampeyon: Amancosiling Elementary School – ₱20,000
1st Runner-Up: Sapang Elementary School – ₱15,000
2nd Runner-Up: Hermoza Elementary School – ₱10,000
Tumanggap naman ng Certificate of Participation ang Bongato East ES, Pangdel ES, at Tococ ES. Kasama sa mga validator ang MNAO, RHU, RSI, at MAO.
3. Search for Best Nutrition Support Group
Sa bagong kategoryang ito na kinikilala ang mga barangay na aktibong sumusuporta sa breastfeeding, First 1,000 Days initiatives, at Barangay Nutrition Action Plan implementation, itinanghal na kampeyon ang Brgy. Bacnono na may ₱15,000 na premyo.
1st Runner-Up: Brgy. Manambong Sur – ₱10,000
2nd Runner-Up: Brgy. Sancagulis – ₱5,000
Naging validators dito ang RHU, MNAO, at MAO.
4. Search for Best Implementer of HAPAG Program (Halinat Magtanim ng Prutas at Gulay)
Bilang pagkilala naman sa mga barangay na nagpapatuloy ng masiglang community gardening alinsunod sa HAPAG guidelines, itinanghal na kampeyon ang Brgy. Buayaen na nagkamit ng ₱20,000.
1st Runner-Up: Brgy. Inirangan – ₱15,000
2nd Runner-Up: Brgy. Manambong Sur – ₱10,000
Tumanggap naman ng ₱2,500 na consolation prize ang mga barangay ng Tampog, Carungay, Sanlibo, Langiran, Mangayao, Sapang, Amancosiling Norte, Zone 1, Zone 3, Zone 4, at Zone V.
Nagsilbing validators ang MLGOO, MAO, at MNAO.
Sa kabuuan, muling pinatunayan ng mga pinarangalang barangay at paaralan ang kanilang dedikasyon sa pagtataguyod ng isang mas malusog at mas masustansyang eating lifestyle, bilang katuwang ng LGU sa pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon. (RSO; AG)








