Iba’t Ibang Isyung Seguridad, Pangkapayapaan, at Kaayusan, Tinalakay sa 1Q MPOC–MADAC Joint Meeting

Isang joint meeting ang isinagawa sa pagitan ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Illegal Drug Abuse Council (MADAC) para sa unang quarter ng CY 2026 noong January 29, 2026, sa Mayor’s Conference Room, bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa bayan.

Sa pulong, tinalakay ang mga accomplishment, isyu, at concern, gayundin ang mga susunod na hakbang kaugnay ng mga pangunahing programa ng LGU sa larangan ng anti-criminality, anti-insurgency, at anti-illegal drugs.

Kasama rin sa agenda ang pagtalakay sa iba pang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa peace and order at kampanya laban sa ilegal na droga, bilang tugon sa kasalukuyang sitwasyon at pangangailangan ng bayan.

Ang joint meeting ay idinaos sa direktiba MPOC–MADAC Chairperson, Mayor Niña Jose-Quiambao, at sa gabay ni MLGOO/MPOC Head Secretariat Editha Soriano, katuwang ang iba’t ibang miyembro ng konseho at kinatawan ng mga concerned offices. (RGDS/RSO; AG)