Iba’t ibang Isyu, Tinalakay sa Joint Meeting ng LCPC, LCAT-VAWC, at MAC, Managos Burnay Food Bank, Iprinesenta

Nagsama-sama ang mga miyembro ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC), at Municipal Advisory Council (MAC) sa isang joint meeting na ginanap ngayong araw, ika-19 ng Hunyo 2025, sa SB Session Hall.

Tinalakay sa naturang pagpupulong ang mga ulat ng mga nagawa ng LCPC at LCAT-VAWC mula Enero hanggang Marso 2025, gayundin ang mga plano para sa ikatlong quarter.

Inilahad din ang 1% allocation para sa pagpapatibay at implementasyon ng mga programang pangbata, at ang panukalang LCAT-VAWC Plan para sa taong 2026 na inirekomendang isumite sa Sangguniang Bayan para sa pormal na pag-apruba.

Bahagi rin ng pulong ang Municipal Advisory Council (MAC) updates kung saan tinalakay ang kasalukuyang kalagayan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Sustainable Livelihood Program (SLP) sa bayan.

Nagbahagi rin ang mga departamento ng LGU ng updates ukol sa mga serbisyong ibinibigay para sa mga benepisyaryo.

Iprinisenta rin ang Managos Burnay Food Bank bilang bahagi ng mga inisyatibang tumutugon sa food security ng mga pamilyang nangangailangan.

Ang pagpupulong ay naging mahalagang hakbang upang mas mapalakas ang koordinasyon at pagpaplano para sa kapakanan ng kababaihan, kabataan, at maralitang pamilyang Bayambangueño. (KB/RSO; AG)