Noong August 7, 2023, ginanap ang isang Leadership Training para sa Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) Executive Board Members ng Bayambang, Pangasinan sa Balon Bayambang Events Center.
Pambungad na mensahe ni DSWD-RO1 Implementing Project Development Officer Gemalyn M. Labarejos, “Ang Leadership Training ay makatutulong upang malaman ang iba’t-ibang istilo ng pamumuno sa asosasyong nasasakupan.”
Ipinaliwanag naman ni Capacity Building Project Development Officer Johndel G. dela Cruz ang kahalagahan ng leadership training sa pagpapaigting ng kaalaman ng bawat lider sa paghawak ng asosasyon. Ipinaliwanag din niya ang iba’t ibang responsibilidad ng isang lider.
Inaasahang papaigtingin ng training na ito ang kaalaman ng bawat lider sa paghawak ng pinakabagong 14 SLP Associations sa ngayon.
Naroon din si BPRAT Chairperson, Dr. Rafael L. Saygo, na humikayat sa mga kasapi sa programa na magsipag pa lalo, at nangako ito na patuloy na susuportahan ang programa katuwang ang Team Quiambao-Sabangan.