Ngayong araw, September 26, ginanap ang 3rd quarter meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) sa Mayor’s Conference Room.
Sa pulong, iprinisenta ni OIC PNP-Bayambang Chief, PLtCol. Rommel Bagsic, ang ukol sa anti-Criminality and Peace and Order Situation.
Dito ay ibinahagi niya ang ukol sa crime environment, traffic incident, at special laws, gayundin ang breakdown ng crime statistics, at checkpoint operations.
Sa update naman ng MADAC, ang Bayambang ay iniulat na isa nang drug-cleared municipality.
Iprinesenta naman ni Ret. Col. Leonardo Solomon BPSO Chief, ang ukol sa mga isinagawang road-clearing activity ng Road-Clearing Task Force.
Sinundan naman ito ni MDRRM Officer Genevieve Benebe ng pagprisenta sa 1st quarter accomplishments ng MDRRMO sa iba’t-ibang aspeto: operations and warning, emergency medical services (EMS), research and planning, at administration and training. Ibinahagi din niya ang ukol sa emergency/assistance response na kanilang naibigay dahil sa insidente ng sunog at pagyanig.
Ibinahagi rin ang ukol sa Agno River Rehabilitation Project na kinabibilangan ng bamboo planting, creation and validation of base maps sa 77 barangay, community-based disaster risk reduction management training, at pagsasagawa ng information drive ukol sa operasyon ng San Roque Dam. Ibinahagi rin ang pagsasagawa ng earthquake drill orientation and simulation exercise.
Naroon din ang Bureau of Fire Protection sa pangunguna ni BFP Chief, SInsp Divine Cardona, na nagpresenta ng kanilang mga nagawa gaya ng Oplan Ligtas na Pamayanan activities, hose mapping, clean-up drive, posting of tarpaulins and distribution of leaflets, pati na rin ang kanilang isinagawang drills and lectures. Ipinanood din ang video ukol sa proseso ng tamang pag-apula ng apoy na siyang makatutulong sa bawat mamamayan kung sakaling magkaroon ng sunog.