Iba’t Ibang Grupo, Nagbigay ng Relief Goods sa mga Nasalanta ng Bagyo

Iba’t ibang grupo ang patuloy na nagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo.

Noong August 18, 2025, naghatid ng food packs at hot meals sa 180 residente ng Sitio Lagare, Nalseban, Brgy. San Gabriel 2nd, Bayambang ang pinagsamang relief mission ng Gabriel Medical Clinic, Gabs Pharmacy Cooperative Store, at Bayambang Matikas Eagles Club (BMEC).

Sa pangunguna ni Dr. Roberto Gabriel, tagapagtatag ng Gabriel Medical Clinic at Gabs Pharmacy, at sa pakikipagtulungan ni BMEC President Bogs Bugarin at pakikipag-ugnayan sa Nutrition Office, nabigyan ng libreng relief goods at ready-to eat food ang mga residente roon.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa mga miyembro ng mga naturang pribadong grupo na naglaan ng oras at resources para sa ating mga kababayan. (VMF/RSO; MNAO)