Hybrid Yellow Corn Seeds, Inorganic Fertilizer, at Bio-N Microbial-Based Fertilizer, Ipinamahagi ng Agriculture Office

Noong  July 16, 2025, ipinamahagi ng Municipal Agriculture Office (MAO) ang 450 bags ng hybrid yellow corn seeds, 450 bags ng inorganic fertilizer, at 700 packs ng Bio-N microbial-based fertilizer sa mga corn farmer na magtatanim sa off-season (July-September 15, 2025 planting).

Matagumpay na isinagawa ang distribusyon ng mga nasabing farm input sa ilalim ng DA-RFO1 Corn Banner Program sa may District 4 Warehouse sa Brgy. Carungay.

Ang aktibidad ay isang pagpapatuloy ng adbokasiya ni Mayor Niña Jose-Quiambao para sa masaganang agrikultura at pagpapasigla ng lokal na pagsasaka.

Ito ay malaking suporta sa ating mga magsasaka dahil ang pagbibigay ng dekalidad na mga binhi at mga produktong pampatubo ay direktang makapagpapataas sa kanilang produksyon. (RMCT/RSO; MAO)