Huling Pulong, Ginanap upang Ayusin ang mga Talipapa sa Brgy. Nalsian Sur at Quezon Blvd.

Isang panghuling pulong ang ginanap upang muling tinutukan ng LGU-Bayambang ang lumalalang problema ng ilegal na sidewalk vending sa Brgy. Nalsian Sur at kahabaan ng Quezon Blvd.

Kabilang sa mga pangunahing binibigyang pansin ay ang ilegal na pagbebenta ng karne sa mga pampublikong daan, na itinuturing na banta sa kalinisan, kalusugan, at maayos na daloy ng trapiko.

Ayon sa mga ulat, ang mga tindang karne na hindi dumadaan sa tamang inspeksyon ay nagdudulot ng masangsang na amoy at baradong drainage system, na maaaring magresulta sa panganib sa kalusugan ng mga residente.

Bilang tugon, isinagawa noong  Hulyo 14, 2025, sa Balon Bayambang Events Center, ang isang dayalogo sa pangunguna ni Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Vidad, mga concerned department and unit heads, mga kapitan, at mga vendor sa nasabing mga lugar.

Dito ay pinag-usapan ang mga paglabag at hinanapan ng pangmatagalang solusyon upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at disiplina sa bayan. (KB/RSO; JMB)

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka