Noong Disyembre 3, 2024, ay idinaos ang huling job fair ng taon, sa pangunguna ng PESO sa Sangguniang Bayan Session Hall.
Ito ay dinaluhan ng pitong lokal na kumpanya at 45 na aplikante, kung saan 20 sa mga ito ang hired on the spot (HOTS).
Kabilang sa mga kumpanyang nagbigay ng oportunidad ay ang One Source Specialized Services Inc., Staff Search Asia Service Cooperative, SM Hypermarket Rosales, Sutherland, Julius K. Quaimbao Medical & Wellness Center Inc., CSI Bayambang, at VXI Global Holdings.
Ang ganitong aktibidad ay isinasagawa sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa kagustuhang magkaroon ang bawat Bayambangueño ng maayos na hanapbuhay. (Angela Suyom/SJGG/RSO; JMB, PESO)