Huling Donation Drive ng Taon, May 120 Blood Bags

โ€œ๐˜‰๐˜ฆ ๐˜ข ๐˜๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ, ๐˜‰๐˜ฆ ๐˜ข ๐˜‹๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ณ.โ€

Sa temang ito ng pinakahuling bloodletting activity ng taon, nagkaisa ang mga bayaning Bayambangueรฑo upang ibahagi ang isa sa pinakamahalagang regalong maiaalay nila ngayong Kapaskuhan sa mga nangangailangan โ€” ang kanilang sariling dugo.

Ang aktibidad ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center ngayong araw, Disyembre 9, 2024, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Bayambang at Rural Health Unit (RHU) sa Philippine Red Cross (PRC).

Matatandaang si Mayor Nina Jose-Quiambao ang kasakuluyang Presidente ng Philippine Red Cross San Carlos Council Chapter.

Siya ay nag-donate ng 120 spaghetti packs para sa unang 120 successful donors.

Sa huli, nakaipon ang team ng 120 na bag ng dugo out of 160 na nagparehistro sa aktibidad, kung saan ang bawat bag ay may kakayahang magligtas ng hanggang tatlong buhay โ€” isang paalala na ang bawat donasyon ay may malaking ambag sa pag-asa ng iba na madugtungan ang kanilang buhay o ng kanilang kaanak.

Higit pa sa layunin nitong makaipon ng dugo para sa blood bank ng PRC, ang aktibidad ay naglalayong magbigay-inspirasyon sa komunidad upang mas marami ang mahikayat na maging bahagi ng ganitong makataong adhikain. (๐˜™๐˜ฐ๐˜ท๐˜ช๐˜ฏ ๐˜Ž๐˜ฆ๐˜ฎ ๐˜‹. ๐˜š๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ/๐˜™๐˜š๐˜–; JMB)