Huling Delivery ng SFP Food Items para sa SY 2025-2026

Ang DSWD ay naghatid ng kanilang huling delivery ng mga perishable food items para sa Supplementary Feeding Program (SFP) na ipinamahagi naman agad ng MSWDO-ECCD team sa may 2,530 Child Development Center enrolees nito para sa SY 2025-2026.

Ginanap ang delivery at distribution ngayong araw, September 30, 2025, sa Balon Bayambang Events Center. (RSO; JMB)