HRMO, Nakilahok sa 124th Philippine Civil Service Anniversary Celeb

Ang Human Resources Management Office (HRMO) at ilang empleyado ng LGU-Bayambang ay aktibong nakilahok sa pagdiriwang ng ika-124 Philippine Civil Service Anniversary na may temang, “Vibe Run: Takbo para sa mga Servant Heroes.”

Ito ay ginanap sa Narciso Ramos Sports and Civic Center, Lingayen Pangasinan, noong Setyembre 1, 2024.

Ang programang ito ay pinangunahan ni CSC Region I Director Flordeliza Bugtong at dinaluhan ng mga kawani ng gobyerno mula sa iba’t-ibang bayan.

Kabilang sa mga aktibidad ay ang fun run for a cause at paghataw sa Zumba ng mga kawani.

Taun-taong isinasagawa ang selebrasyong ito bilang pagpapahalaga sa mga kawani ng gobyerno na araw-araaw na nag-aabot ng serbisyo publiko. (Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: HRMO)