Holistic Health sa mga Kabataan, Tinutukan sa SK Symposium

Bilang pagsuporta sa pagsulong ng holistic health sa mga kabataan, nagsagawa ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Bayambang ng isang symposium ngayong araw, Agosto 20, 2025, sa Pinoy Workers Satellite Office, Zone VI.

Sa tulong ng RHU at PNP, ipinaliwanag dito ang kahalagahan ng pangangalaga, hindi lamang sa pisikal na kalusugan, kundi pati sa mental, emosyonal, sosyal, at ispiritwal na aspeto ng buhay — mga salik na mahalaga sa masigla at balanseng pamumuhay ng kabataang Bayambangueño.

Tinalakay dito kung paano magkakaugnay ang bawat aspeto ng kalusugan at kung paanong ang pagkakaroon ng balanse ng lahat ng aspetong ito ay nakatutulong sa pagkakaroon ng mas buong pagkatao at mas masayang pamumuhay.

Dinaluhan ito ng mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan, kasama ang mga SK Chairman at SK Kagawad, na nagsilbing inspirasyon at katuwang sa patuloy na pagtataguyod ng kabuuang kalusugan para sa kabataan — ang pangunahing layunin ng programang ito.

Sa event na ito ay namigay ng toothbrush at tumbler ang RHU I. (Mark Andrei de Luna/WMC; Karl Vincent Alvarez, JMB)