Bilang bahagi ng pagdiriwang ng World AIDS Day, pinarangalan ng Rural Health Unit (RHU) ang mga nagwagi sa isinagawang video editing contest na nilahukan ng iba’t ibang paaralan, batay sa tema ng taon na “Overcoming Disruption, Transforming AIDS Response.”
Samantala, itinanghal na grand winner ang Banyuhay staff ng PSU-Bayamang Laboratory High School, na nakakuha ng pinakamataas na iskor na 92.8% at tumanggap ng ₱7,000 cash prize.
Nakamit naman ng Hermoza National High School ang 2nd place na may 91.6%, at nag-uwi ng ₱5,000 cash prize.
Itinanghal na 3rd placer ang Sanlibo National High School, na nagtala ng 88.6% at tumanggap ng ₱3,000 cash prize. Sila rin ang nag-uwi ng Most Heart React Award at karagdagang ₱3,000 cash prize.
Kabilang sa lupon ng inampalan sina Ivan Caisip, Joanne Villanueva, Resty Odon, Mariz Cabuag, at Meryl Cristine dela Vega.
Patuloy na hinihikayat ng RHU ang kabataan na maging kabalikat sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman at kamalayan tungkol sa HIV/AIDS bilang suporta sa adbokasiyang pangkalusugan ng komunidad. (KB/RSO; AG)




