Health Department, Muling Nakasungkit ng Parangal sa Provincial Health Summit

Muling tumanggap ng mga parangal ang ating Health Department, sa ginanap na Provincial Health Summit sa Kapitolyo noong November 30, 2023:

– Ang RHU I, II, & III ay completer ng Universal Health Care Implementers Course at Integrated Course on Primary Care ng DOH Academy.

– Kinilala rin ang ating mga RHU sa Local DRRM in Health.

– Champion sa Green Banner Seal of Compliance in Nutrition ang health cluster bilang Best LGU Implementer in Nutrition Program through MELPPI Pro.

– Champion din sa 2022 Most Outstanding Local Nutrition Focal Point/Municipal Nutrition Action Officer sa buong probinsya ng Pangasinan si Bayambang MNAO Venus Bueno.

– Finalist naman sa Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar of the Province si Elsie Baiguen ng Brgy. Magsaysay. (Resty S. Odon; Photos by RHU/Nutrition)