Patuloy ang LGU-Bayambang sa paghatid ng tulong sa mga biktima ng muntikang pagkalunod at sa pamilya ng mga nalunod na kabataan kamakailan.
Ang MSWDO ay naghatid ng mga food pack sa mga apektadong pamilya, samantalang ang RHU ay bumisita sa survivor na nakaconfine sa Bayambang District Hospital.
Nagbigay din ang RHU ng psychological first aid sa mga pamilyang naapektuhan.
Nag-abiso din ang LGU sa lahat na Punong Barangay na higpitan ang kanilang mga nasasakupan ukol sa pagligo sa Ilog Agno upang maiwasan ang anumang insidente ng pagkalunod. (RSO; MDRRMC, MSWDO, RHUs)







