Halina’t Makiisa sa National Disaster Resilience Month 2026!

Ang LGU-Bayambang ay malugod na nakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month! Abangan ang mga inihandang aktibidad ng MDRRMO ngayong buwan ng Hulyo.

  • Matapos sumama sa NDRM 2026 Kick-off sa La Union at lumibot sa mga paaralan at barangay para sa isang information drive, ang MDRRMO ay nakatakdang mag-Lakbay Aral sa Kawayan Ecopark sa probinsya ng Cavite upang matuto ng mga bagong kaalaman para sa bamboo planting kaugnay ng Agno River Rehabilitation Project.
  • Kasunod nito ay ang DRRM Exhibit sa Events Center sa July 17 kung saan tampok ang mga programa at inisyatibo ng MDRRMO sa resilience at preparedness
  • Ito ay susundan ng isang DRRM Course for Public Sector sa July 22-24 sa Events Center upang mapalakas ang kapasidad ng ating mg first responders.
  • Kasunod nito ay isang DRRM Photo Contest upang ibida ang disaster preparedness, emergency response, environmental protection, at community resilience sa pamamagitan ng sining ng photograpiya.