Gulayan sa Paaralan, Muling Inilunsad sa mga Eskwelahan

Nanguna ang School Parents-Teachers Association ng Bayambang Central School (BCS) sa pagbuhay muli ng taunang ‘Gulayan sa Paaralan’ project ng DepEd sa BCS campus ground sa Brgy. Magsaysay, sa pahintulot at gabay ni BCS Principal Lamberg de Vera.

Gamit ang mga binhi at punlang galing sa Municipal Agricultural Office, nagtulung-tulong ang SPTA, sa pangunguna ng mga SPTA officers ng Central sa paglilinis ng mga loteng itinakda para sa gulayan, at hinikayat ang mga mag-aaral upang sila mismo ang magtanim ng mga binhi at punla.

Ang Gulayan sa Paaralan ay isa sa mga proyektong regular na minomonitor ng Municipal Nutrition Committee sa lahat ng paaralan at malimit na isali sa mga patimpalak.

Hinihikayat ng LGU-Bayambang ang mga paaralan sa lahat ng barangay na makiisa sa ‘Gulayan sa Paaralan’ project upang maisulong ang adhikain na food sustainability sa bayan ng Bayambang. (RSO; BCS SPTA)