Kapag walang pasok, kinukumpuni ng General Services Office staff ang iba’t ibang pasilidad ng Munisipyo upang siguraduhing ang mga ito ay parating nasa kundisyon.
Kamakailan, kanilang pinalitan ang nabubulok na alulod ng lumang Municipal Hall Building.
Kanila ding nilinis ang mga drainage ng mga bubong ng mga gusali sa Municipal Hall Compound.
Pinuno rin ng GSO ng mga naglalakihang paso ng bougainvillea ang paligid ng auditorium sa plaza at tinamnan din ng mga ornamental plants ang paligid ng Bayambang Central Terminal sa PSU. (RSO; GSO)