Ang General Services Office (GSO) ng Lokal na Pamahalaan ng Calasiao ay bumisita upang magsagawa ng benchmarking visit sa GSO ng Bayambang ngayong araw, Pebrero 24, 2026.
Layunin ng pagbisita, sa pangunguna ni Calasiao General Services Officer Felipe K. de Vera, na makakuha ng kaalaman sa mga polisiya, sistema, at best practices ng GSO-Bayambang upang higit pang mapahusay ang procurement, property management, asset inventory, at iba pang serbisyong pangkalahatan ng tanggapan.
Sila ay malugod na tinanggap ni Bayambang General Services Officer Chinita S. de Vera at kanyang staff, at kanilang tinalakay ang kanilang mga polisiya, workflow procedures, digital systems, at iba pang innovative practices na naimplementa. (John Paulo F. Ballesteros/RSO; GSO)





