Grupong FAB, Naghandog ng Tulong sa Pantol Manambong Sur, at Manambong Parte

Matapos makipag-ugnayan sa MSWDO at RHU para sa listahan ng mga natitirang residente na pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center ng Bayambang, ang grupong Feeding Angels of Bayambang (FAB) ay nagsagawa ng unang bugso ng relief operation sa Brgy. Pantol, Manambong Sur, at Manambong Parte.

Sila ay may natulungang 21 na pamilya o 80 indibidwal sa Pantol, 13 na pamilya o 50 katao sa Manambong Sur, at 26 na pamilya o 40 indibidwal sa Manambong Parte.

Ang FAB ay namahagi ng mainit na champorado mula sa Zia’s Cuisine at lomi mula sa Solomon’s Lomihan, bukod pa sa mga food pack na naglalaman ng limang kilong bigas, 2 Mega sardines, 2 instant mami, 2 pakete ng tinapay, at Swiss Miss chocolate drinks, salamat sa kanilang mga anonymous donor at sponsor. (RSO; FAB)