(January 15, 2024)
Sa unang araw ng Grand Medical Mission sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park, mayroon nang naitalang 1,016 na pasyente na nag-avail ng iba’t ibang medical services. Kabilang dito ang adult consultation: 240; pedia consultation: 89; dental: 179; optical: 149; rehab: 60; radiology/ultrasound: 36; ECG: 3; laboratory: 22; referrals: 28; minor surgery: 24; at major surgery: 7.
May mahigit dalawang daang medical personnel na miembro ng Philippine Medical Society of Northern California, kabilang ang ilang espesyalista mula pa sa iba’t ibang parte ng Estados Unidos, ang dumating para magbigay ng mga naturang ng serbisyo.
Kasama rin ang iba pang volunteers mula sa Bayambang at provincial government, Oral Surgery Philippines – Pangasinan, Philippine Dental Association – Pangasinan Chapter, at iba pang private practitioners.
Ang mga volunteers ay sinundo ng LGU mula sa airport at inihatid sa Bayambang ng MDRRMO, habang nagsasagawa ng pre-activity briefing at orientation ang iba’t ibang departmento at ahensya.
Pagkatapos nito, ang mga bisita ay mainit na winelcome sa Monday flag ceremony sa Events Center at saka inimbitahan sa isang meet-and-greet party with cultural presentation kinagabihan sa Monarch Hotel, Calasiao.