Binigyang pagkilala ng LGU ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Bayambang na magsisipagtapos na sa kanilang termino sa Hunyo 30, 2025, bilang pagpapahalaga sa kanilang di-matatawarang serbisyo at dedikasyon sa bayan.
Sila ay pinagkalooban mga plake ng pagkilala sa isang pormal na seremonya sa Balon Bayambang Events Center ngayong araw, Hunyo 23 2026, na inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho at sa presensiya ng lahat ng opisyal at mga kawani.
Kabilang sa mga pinarangalan sina Hon. Mylvin T. Junio, Hon. Philip R. Dumalanta, Hon. Benjamin Francisco S. de Vera, Hon. Amory M. Junio, at Hon. Martin E. Terrado II na nagpamalas ng mahusay na pamumuno, pagsusumikap, at matatag na paninindigan sa paglingkod sa bayan sa kabila ng mga hamon sa loob ng kanilang siyam na taong termino. (KB/RSO; AG)
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka