Si Governor Ramon Guico III ay nagdonate ng 100 micromatic umbrellas sa mga public market vendors, at si 3rd District Board Member, Dra. Shiela F. Baniqued, ay nagdonate naman ng 100 na monobloc chairs para sa mga magsasaka.
Ang mga donasyon ay tinanggap ng opisina ng Municipal Administrator at Municipal Agriculture Office na pinamumunuan ni Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad.
Mula sa mga public market vendor at magsasaka at sa LGU Bayambang, maraming salamat po Gov. Monmon at BM Baniqued! (ME; MAO)