Gng. De Guzman ng Balaybuaya, Ms. BNS 2024 sa Fundraising Activity

Nasungkit ni Jesusa F. de Guzman ng Brgy. Balaybuaya ang titulong Ms. Barangay Nutrition Scholars (BNS) 2024 sa BNS Grand Coronation Day 2024 na ginanap sa Balon Bayambang Events Center ngayong araw, ika-23 ng Mayo, 2024.

Nakuha naman ni Donesa E. Divina ng Brgy. Bical Norte ang 1st runner-up, Elena Prestoza ng Brgy. Paragos ang 2nd runner-up, Evangeline M. Cabatbat ng Brgy. Buenlag 1st ang 3rd runner-up, Elsie V. Baiguin ng Brgy. Magsaysay ang 4th runner-up, Genaline D. Gabriel ng Brgy. Tatarac ang 5th runner-up, Rose N. Suelen ng Brgy. Warding ang 6th runner-up, Perla T. Anasco ng Brgy. Tamaro ang 7th runner-up, at Ceniza Caranto ng Brgy. Caturay ang 8th runner up.

Ang mga nabanggit na kinatatayuan ng mga nagwagi ay ayon sa laki ng kanilang nalikom na pondo. Ayon kay BNS President Emalyn Lacerna, ang nalikom na pondo sa programa ay ilalaan para sa mga proyekto ng mga BNS.

Kabilang sa mga crowning guest sina Vice Mayor Ian Camille Sabangan, Councilor Martin Terrado II, at LGU, Municipal Nutritionist Venus Bueno, Mayor’s Action Center head Jocelyn Espejo, at mga Punong Barangay.

Dumalo rin ang representante ni Board Member Vici Ventanilla na nagsilbing panauhing pandangal sa aktibidad na ito. (nina Angelica C. Arquinez, Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: JMB)