Girls’ Night Out, Nagpugay sa Women Leaders mula sa Iba’t Ibang Sektor

Kinagabihan ng March 22, 2024 idinaos ang Girls’ Night Out, bilang natatanging gabi ng pagpupugay sa lahat ng mga namumunong kababaihan at pagkilala sa kanilang tagumpay sa iba’t ibang larangan, sa pamamagitan ng isang formal sit-down dinner party sa Events Center.

Kabilang sa mga naki-party ng naka all-black cocktail dress sina Mayor Niña Jose-Quiambao, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, SK Federation President Marianne Cheska Dulay, LGU department and unit heads, national agency heads, barangay officials, DepEd officials, mga presidente ng iba’t ibang special bodies, at women leaders sa iba pang larangan. Naroon din ang mga Binibining Bayambang 2024 candidates na mas lalong nagpatingkad ng gabi.

Ang affair na ito ay sinuportahan ng mga tinaguriang “honorary women” na sina Dr. Cezar Quiambao, Councilor Benjie de Vera, Councilor Martin Terrado II, at Councilor Jose ‘Boy’ Ramos.