Inorient ng PESO-Bayambang ang may 44 na Government Intership Program (GIP) recipients noong Lunes, Setyembre 16, 2024, sa Municipal Museum bago sila ideploy sa ibat-ibang departamento.
Kabilang sa nag-orient ay ang mga kawani ng DOLE sa pamumuno ni Ms. Rhodora Dingle, CPFO Head.
Ang mga GIP interns ay mainit na winelcome ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad.
Ang nasabing programa ay pinondohan ng Abono Party List at tanggapan ni Congresswoman Rachel Arenas, at ito ay tatagal ng tatlong buwan. (PESO/RSO; PESO)