General Cleaning sa Public Market, Tuluy-Tuloy Tuwing Martes ng Hapon

Magiging regular na ang general cleaning activity sa pamilihang bayan simula alas kuwatro ng hapon tuwing Martes, sa pagtutulungan ng SEE employees at mismong mga stall owner.

Kabilang dito ang water flushing sa tulong naman ng BFP.

Dahil dito, isasara ang pamilihang bayan sa mga oras na nabanggit kada araw ng Martes. (RSO; larawan: Ace Gloria)