General Clean-Up Drive, Isinagawa Pagkatapos ng Pista at Semana Santa

Isang general clean-up drive ang isinagawa ng LGU ngayong araw, Abril 6, 2026, bilang bahagi ng agarang pagpapanumbalik ng kalinisan at kaayusan kasunod ng pagdiriwang ng taunang pista at Semana Santa.

Pinangunahan ng Environmental and Solid Waste Management Office (ESWMO) ang nasabing aktibidad katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng munisipyo kabilang ang Engineering Office, Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), General Services Office, Task Force Disiplina, Treasury Office, at Business Permits and Licensing Office. Sama-samang tinutukan ng mga ito ang paglilinis ng mga pangunahing lansangan at pampublikong lugar.

Tumulong din ang Bayambang Fire Station upang magflushing sa plaza at munisipyo.

Kabilang sa mga isinagawang hakbang ang pagtanggal ng mga lumang tarpaulin, posters, at iba pang visual obstructions na naiwan matapos ang mga pagdiriwang.

Nakibahagi rin ang mga barangay sa pamamagitan ng mobilisasyon ng kanilang mga opisyal, tanod, at mga boluntaryo upang magsagawa ng sabayang clean-up operations sa kani-kanilang nasasakupan.

Ipinakita ng pagkakaisa at kooperasyon ng iba’t ibang sektor ang malasakit ng bawat Bayambangueño sa sariling bayan. (RSO; ESWMO