Upang higit na mapalawak ang kakayahan ng mga Bayambangueño sa pagnenegosyo at pangkabuhayan sa isang pamamaraan na gender-inclusive, ang Special Economic Enterprise (SEE) ay nagsagawa ng GAD Basic Business Management Seminar ngayong araw, Setyembre 10, 2025 sa Balon Bayambang Events Center.
Naging resource speaker si Dr. Presley V. De Vera, GAD Coordinator ng PSU-OUS, kung saan kanyang tinalakay ang mga paksang “Gender-Responsive Entrepreneurship,” “Business Ethics and Gender Sensitivity,” at “Gender-Inclusive Strategies sa Product Costing at Fair Pricing.”
Dumalo sa programa si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao at nagbigay ng inspirasyonal na mensahe para sa mga kalahok.
Tampok sa programa ang film viewing activity ng short film na pinamagatang “The Impossible Dream” na nagsilbing dagdag inspirasyon sa mga kalahok.
Ang aktibidad ay inorganisa ni SEE GAD Focal Person Mariefi de Guzman. (Charlaine T. Melendez, RGDS/RSO; AG)










