Sa kolaborasyon ng Office of Special Economic Enterprises, tinulungan ng GCash ang mga manininda sa pampublikong palengke at ang mga tricycle driver na magkaroon ng Paleng-QR PH codes na magagamit nila upang tumanggap ng digital payment mula sa kanilang mga mamimili noong Setyembre 25, 2025.
Ang mga QR code ay magagamit ng kanilang mga customer upang magbayad, hindi lamang gamit ang GCash kundi kahit na anong digital payment na kasama sa Paleng-QR PH program.
Ang Paleng-QR PH program ay programa ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ng Department of the Interior and Local Government upang palaganapin ang cashless transactions kasama ng mga pang-ordinaryong transaksyon ng bawat mamamayan.
Ang paggamit din ng Paleng-QR PH ay nakaayon din sa vision ng bayan na maging isang smart town, gamit ang mga teknolohiyang tumutulong na mapadali ang mga transaksyon sa lokal na pamahalaan at sa mga pribadong establisimyento. (RB; AG)






