Galing Pook Foundation, Dumating para sa Validation ng Shortlisted Entry ng Bayambang

Noong August 2, bumisita sa bayan ng Bayambang ang mga validators mula sa Galing Pook Foundation para personal na inspeksyunin ang Bani Delicious Ice Cream Livelihood Project ng LGU at DSWD.

Unang ginanap ang validation sa Mayor’s Conference Room, kung saan humarap sa mga bisita si Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) Chairperson, Dr. Rafael L. Saygo, kasama ng kanyang team.

Ang mga validators ay sina Representative Vincent Lazatin, Mr. Adrian Adove, Mr. Luigi Briones, at Mr. Adonis Caballero. Sila ay nagpahayag ng interes sa tinagurian ni Dr. Saygo na “CONE Approach” upang gawing matagumpay ang naturang livelihood program.

Ang CONE Approach ng proyekto ay isa sa top 33 entries out of 166 entries nationwide, at ito ang unang pagkakataon na makapasok ang bayan ng Bayambang sa naturang patimpalak.

Kabilang sa mga nagwelcome sa mga panauhin sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, Kasama Kita sa Barangay Foundation COO Romyl Junio, at concerned department heads.

Binisita din ng mga validator ang mismong pabrika ng Bani Delicious Ice Cream sa Brgy. Bani, at sila ay winelcome ni Bani Delicious Ice Cream President Fernando Verceles.

Ang Galing Pook ay isang kinikilalang institusyon na nagtataguyod ng kahusayan sa lokal na pamamahala sa bansa.