GAD Pre-Planning, Isinagawa

Ang Bayambang Municipal Gender and Development (GAD) Council ay nag-umpisang magconduct ng isang pre-planning activity para sa pormulasyon ng Municipal Gender and Development Plan and Budget para sa taong 2025 ayon sa Magna Carta of Women.

Naging resource speaker si Milagros A. Rimando mula sa GAD Resource Pool ng Philippine Commission on Women, kung saan tinalakay ang mga paksang Gender Audit at Gender-Responsive Planning and Auditing.

Ito ay ginanap mula February 21 sa Balon Bayambang Events Center at nakatakdang matapos hanggang February 23.