GAD M&E Team, Nag-update ukol sa GAD Database 2024

Nagpulong ang mga miyembro ng Gender and Development (GAD) Monitoring and Evaluation Team upang talakayin ang mahahalagang usapin kaugnay ng mga programang GAD ng lokal na pamahalaan.

Partikular na pinagtuunan ng pansin ang presentasyon at pinal na paglalatag ng GAD Database 2024.

Ang pulong ay ginanap ngayong araw, Disyembre 10, 2025, sa Municipal Agriculture Office Conference Room sa pangunguna ni OIC-MPDO Ricky Bulalakaw, kung saan dumalo ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan at ahensya ng gobyerno.

Layunin ng pulong na tiyakin ang maayos at sistematikong dokumentasyon ng mga aktibidad, proyekto, at inisyatiba ng LGU na may kaugnayan sa gender responsiveness.

Inilahad dito ang bawat bagay na kailangang maisagawa ng mga GAD focal person mula sa iba’t ibang departamento at ahensya, kabilang ang compliance sa pagsumite ng mga updated na datos, accomplishment report, data presentation, at certification.

Natalakay rin sa nasabing meeting ang iba’t ibang hakbang na kailangang isagawa pagkatapos makumpleto ang mga kinakailangang requirements sa database monitoring at maging ang mga plano para sa susunod na taong 2026.

Sa ganitong pagpupulong, nasusuri at nasisiguro nang maayos at tama kung saan napupunta ang mga inilaan na GAD fund para sa iba’t ibang sektor ng pamahalaan. (JLT/KB/RSO; AG)