GAD Fund Utilization, Atbp., Tinalakay sa 3Q GAD TWG Meeting

Upang mapagtibay ang implementasyon ng mga programa at proyekto na nakapaloob sa Gender and Development (GAD) Plan and Budget ng bayan ng Bayambang, nagsagawa ng ikatlong quarterly meeting ang GAD Technical Working Group (TWG) ng LGU ngayong araw, Setyembre 30, 2025, sa MSWDO Multi-purpose Building Conference Room.

Pinangunahan nina Kimberly P. Basco, RSW, MSWD Officer at GAD Focal Person, at Josie E. Niverba, RSW, Mayor’s Action Center Unit Head at Chairperson ng GAD-TWG, ang pagpupulong na dinaluhan ng mga miyembro ng komite.

Tinalakay sa pulong ang 3rd quarter GAD Fund utilization, 3rd quarter accomplishment report, at iba pang mahahalagang usapin kaugnay ng pagsusulong ng gender equality at women empowerment sa bayan.

Patuloy na nakatuon ang LGU-Bayambang sa pagsusulong ng mga programang nakabatay sa GAD upang masiguro ang mas inklusibo, patas, at makabuluhang pag-unlad para sa lahat ng sektor ng lipunan. (RGDS/RSO; JMB)