GAD Execom, Nagpulong ukol sa Bayambang GAD Council Functionality

Sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ang Gender and Development Executive Committee ay nagpulong ukol sa functionality ng Bayambang GAD Council para masigurado na ang plano at badyet ay magamit ng tama o mapunta sa mga dapat patunguhan.

Sa ginanap na semi-annual meeting ng komite noong June 30, 2025 sa Mayor’s Conference Room, tinalakay ang first semester GAD fund utilization, 1st semester accomplishment report, at ang posibleng rebisyon ng GAD Plan at Budget FY 2025. (RSO; AG)