Barangay Night, Muling Binuhay sa Pista’y Baley ‘25
Isang matagumpay, masaya at maningning na Barangay Night ang muling ipinagdiwang kagabi para sa pitumpu’t pitong (77) barangay ng Bayambang na sama-samang nagsayawan at nagkasiyahan.
Ginanap sa Municipal Plaza noong April 1, ang okasyon bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-411 anibersaryo ng bayan. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, barangay officials, mga panauhin, at mga mamamayan ng Bayambang.
Nagpaulan ng mga biyaya si Mayor Mary Clare Judith Phyllis Jose-Quiambao, kabilang na ang pagkain at inumin. Pinasigla rin ng JC Datuin Digital Orchestra ang mga dumalo. Higit pa rito, nagbigay si Mayor Niña ng ₱500,000 cash para sa raffle.
Bilang isa sa mga pangunahing kaganapan ng kapistahan, ang Barangay Night ay isang pagkakataon upang kilalanin ang mahalagang papel ng bawat barangay sa pagpapatupad ng mga makabuluhang programa at epektibong pamamahala.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Niña: “Sa tatlong taon ng aking pamumuno, lalo kong naunawaan ang kahalagahan ng bawat barangay sa tagumpay ng ating mga programa at patakaran. Ang susi sa pag-unlad ng ating bayan ay nasa bawat Bayambangueño.”
Higit pa sa isang pagdiriwang, ang Barangay Night ay isang pagpapakita ng lakas ng komunidad at ng sama-samang pangarap para sa isang mas maunlad na Bayambang. Sa pamumuno ni Mayor Niña, patuloy na tinatahak ng bayan ang landas ng kaunlaran at pagkakaisa.
Isinulat nina: Princess Mae L. Abalaing, Princess Roleen G. Quijalvo, at Artemus Clyde DG. Dela Cruz
Mga Larawan nina: Zentheo Raguindin, Ronier Ives A. Palisoc at Ace Gloria
Inedit ni: Mr. Frank Brian S. Ferrer
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiñaaroTaKa