Sa ginanap na Child Development Workers Federation Meeting cum Election of Officers ng Provincial Federation of Child Development Workers of Pangasinan, Inc., Bayambang Chapter, muling inihalal si Ms. Estherly N. Friaz ng Barangay Zone V bilang Federation President, patunay ng patuloy na tiwala at suporta ng kanyang kapwa CDWs sa kanyang pamumuno.
Dinaluhan ang pulong ng mga Child Development Worker mula sa iba’t ibang barangay upang talakayin ang mga programa para sa patuloy na pagpapalakas ng Early Childhood Care and Development (ECCD) sa bayan.
Kabilang din sa mga nahalal at naitalagang opisyal ang mga sumusunod:
• Executive Vice President: Agnes D. Torres
• 2nd Vice President: Christina Concepcion M. Opiniano
• Secretary: Gegie O. Rebamontan
• Sub-Secretary: Mellalie R. Fernandez
• Treasurer: Jayhan F. Zafra
• Sub-Treasurer: Raquel G. Ambroce
• Auditors:
1. Belina Sue S. Junio
2. Marisa D. Castro
3. Rhodalyn D. Revilla
• Business Managers:
1. Araceli L. Agsalud
2. Daralita R. Abellera
• PROs:
1. Roland L. Lasic
2. Julian S. Ramos
Layunin ng bagong hanay ng opisyal na higit pang mapaigting ang pagkilos at koordinasyon ng mga Child Development Workers upang masigurong de-kalidad at ligtas na serbisyo para sa kabataan sa Bayambang.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Friaz sa muling pagtitiwala at nangakong mas lalo pang pagbubutihin ang pamumuno upang maisakatuparan ang mga layunin ng kanilang samahan.
Ang bagong administrasyon ay nakatakdang magsulong ng mas marami pang programa at pagsasanay para sa kapakanan ng mga batang Bayambangueño. (RSO; MSWDO)








