Free Medical Services para sa Malusog at Ligtas na Bayambangueña

Ang Rural Health Unit, sa pakikipagtulungan sa KALIPI, ay nagbigay ng libreng Pap smear at breast examination, noong March 20, 2024, para sa 100 na Bayambangueña bilang parte pa rin ng 2024 Women’s Month celebration. Ito ay ginanap sa RHU I at Balon Bayambang Events Center.

Ang procedure na ito ay isang test na nagsisilbing early screening method para sa posibleng presensiya ng cervical at breast cancer cells.

Ang Population Commission naman ay nagbigay ng libreng contraceptive na progestin transdermal implant sa St. Vincent Ferrer Prayer Park.

(ni: Vernaliza M. Ferrer/ RSO; larawan: JMB)