FPJ Panday Bayanihan Party List, Nagbigay ng Tulong Pinansyal sa mga CVO

Ang FPJ Panday Bayanihan Party List, sa ilalim ni Congressman Brian Poe, ay nagbigay ng tulong pinansyal sa mga CVO ng Bayambang at mga karatig-bayan para suportahan ang mga pamilyang may mababang kita.

Ginanap ang pamamahagi ng cash grant sa Brgy. Nalsian Norte Covered Court sa tulong ng tanggapan ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

Ayon sa mga kinatawan ng FPJ Panday Bayanihan Party List, ang pamamahagi na ito ay bahagi ng kanilang patuloy na pangako na suportahan ang iba’t ibang sektor ng komunidad.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing aktibidad sina Kgd. Khing-Ruel Rodriguez Lucido, Municipal Coordinator ng FPJ Panday Bayanihan Party List, at Alma Arenas Rocal, Third District Coordinator.

Umabot sa 723 CVO ang nakatanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng ₱3,000 bawat isa.

Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay inaasahang magbibigay ng malaking tulong sa mga benepisyaryo upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. (VMF/RSO; JMB)