Fountain sa Royal Mall, Pinatibag ng Task Force Disiplina!

Maging ang fountain sa harapan ng Royal Mall na nagdudulot ng obstruction sa road shoulder ay pinatibag ng Task Force Disiplina.

Hindi ito kinunsinti ng Task Force Disiplina sapagkat nakahambalang ito sa isang sulok na magdudulot ng obstruction sa sinumang driver na nakatingin pakanan papuntang highway. Ito ay nagpapatunay na seryoso ang buong LGU sa pagpapatupad ng disiplina sa buong bayan upang maging huwaran sa kaayusan at kalinisan ang mararanasan ng bawat mamamayan na bumabagtas sa sentro ng bayan.

Kaya naman minabuti ng Task Force Disiplina na tanggalin ito kahit pa ito ay kaaya-ayang tignan sa sentro ng bayan.

Samantala, naglabas na ng Executive Order (E.O. No. 68, s. 2025) si Mayor Niña upang mas paigtingin pa ang demolisyon ng lahat ng nakahambalang na poste ng kuryente at telecommunication companies sa mga road shoulder upang tuluyan nang maalis ang lahat ng naturang road obstruction na matagal nang peligro sa mga motorista at pedestrian. (RSO; P.S./TFD)