Former DILG Sec. Abalos at Lungsod ng Mandaluyong, Naghatid ng 4,000 packs ng Relief Goods sa Pangasinan

Noong October 27, 2024, naghatid ng tulong si former DILG Secretary, Atty. Benhur Abalos, kasama ang Lungsod ng Mandaluyong, sa Pangasinan ng mga grocery packs para sa mga nasalanta ng bagyo.

Mayroong tig-1,000 grocery packs ang inilaan para sa bayan ng Bayambang, Lingayen, at Calasiao, at lungsod ng Dagupan, at ang mga ayuda ay tinanggap ng mga representante ng mga bayang ito sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Ang grocery packs ay lubos na nakatulong para sa mga residente ng Pangasinan, partikular na sa mga nasalanta ng bagyong ‘Kristine.’

Isang taos-pusong pasasalamat, Atty. Benhur Abalos Jr., at Mandaluyong City.

(Sharlene G. Gonzales; photos: JMB)