May kabuuang 64 na stalls/slots ang maaari nang upahan sa ating Pamilihang Bayan, anunsyo ng Special Economic Enterprise Office noong Agosto 21, 2024.
Ang mga naturang bakanteng stalls ay nasa: • Ikalawang palapag (2nd floor) ng Quadricentennial Building (dating Magic Department Store) – 29 stalls at 12 slots para sa circular kiosk; • Mezzanine Area (matatagpuan sa pagitan ng Parlor Section at Quadricentennial Building sa Ikalawang Palapag) – 14 stalls; • Block 3, Ikalawang Palapag (kung saan matatagpuan ang mga RTW) – 4 stalls; • Meat Section – 4 stalls; • New Building Phase 2, Ikalawang Palapag – 1 stall.
Ang pagkuha ng mga bakanteng stalls at slots ay “first come, first served,” kaya’t hinihikayat ang mga aplikante na mag-apply agad.
Mga Kailangan sa Pag-aapply: Letter of Intent – Isang liham na nagsasaad ng inyong hangaring umupa ng stall o slot; 1 government ID; completed application form mula sa opisina ng Special Economic Enterprise; at application fee na P100 para sa mga aprubadong aplikante.
Para sa mga karagdagang katanungan o aplikasyon, magtungo lamang sa Special Economic Enterprise Office at hanapin si Ms. Mercedes Serafica o tumawag sa (075) 649-5436. (QA/RSO; JMB)