Isang mobile kitchen o food truck na tinawag na ‘Galila Mangan Tila, Ka-Niña-Aro’ ang inilunsad noong ika-12 ng Agosto, 2024 sa Balon Bayambang Events Center.
Ito ay isang programa na naisipang gawin ni Mayor Niña Jose-Quiambao bilang parte ng pagdiriwang ng kanyang kapanganakan sa buwan ng Agosto.
Ang naturang mobile kitchen ay gagamitin din sa iba’t-ibang aktibidad ng LGU Bayambang, kasama na ang paghahatid ng serbisyo publiko ng munisipyo gaya ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan.
Isang literacy program naman ang pinaghahandaan, at dito ay gagamitin din ang mobile kitchen.
Pagkatapos ng flag ceremony, isang mainit, masarap, at masustansyang lugaw naman ang panimulang ipinamahagi sa lahat ng kawani gamit ang mobile kitchen sa tulong ng mga Binibining Bayambang. (SJGG/RSO; AG)