Kasalukuyang naghahatid ng tulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha dulot ng bagyong Luis at Maymay at epekto ng habagat.
Kahapon, 16 food packs ang ipinamahagi ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa mga pamilyang naapektuhan sa Purok 7, Barangay Managos. Nagbigay din ng mga gamot at vitamins sa mga residente.
Ngayong araw naman, ang team ay naghatid ng kaparehong ayuda sa mga apektadong residente ng Brgy. Paragos at San Gabriel 2nd.
Nagmonitor din ng mga sakahan sa lugar, lalo na ang nasa paligid ng Mangabul Lake.
Nakipagtulungan sa relief distribution ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), mga Rural Health Unit (RHU), PNP, at BFP bilang bahagi ng patuloy na pagtugon ng LGU-Bayambang sa pangangailangan ng mga residenteng apektado ng sama ng panahon. (RSO; MSWDO, MDRRMO)











