Food Handlers Class, Isinagawa para sa mga Food Establishment

Nagsagawa ang Rural Health Unit (RHU) I ng Bayambang ng isang “Food Handlers Class” upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at mapataas ang antas ng kaalaman sa tamang paghahanda ng pagkain.

Ang pagsasanay ay dinaluhan ng mga food handler mula sa iba’t ibang food establishment sa Bayambang ngayong araw, Disyembre 3, 2025, sa Balon Bayambang Events Center.

Pinasinayaan ang programa sa pamamagitan ng welcome remarks mula kay Vice-Mayor Ian Camille Sabangan.

Sunud-sunod namang tinalakay ng mga eksperto ang mahahalagang paksa, kabilang ng Food Safety and P.D. 856 o Sanitation Code of the Philippines, Common Foodborne Diseases and Their Prevention, at Personal Hygiene and Good Food Handling Practices.

Kabilang sa resource speakers sina Russela Sandra Sabado, SI Urdaneta; Dr. Paz F. Vallo, MPH; Dr. Adrienne Estrada, RHU-Bayambang II head; at Gerly P. Catolos, RN, Villasis SI-Designate.

Tinalakay din ang Sanitation of Food Establishments and Waste Management ni MENRO Ma-Lene Torio at ang Health Requirements for Food Handlers (Medical Exam & Health Certificate) ni Russell G. Valdez, RN, RSI I.

Bilang pagtatapos, nagbigay ng closing remarks si Dr. Roland M. Agbuya, RHU III head.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, mas mapapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan ng Bayambang at mapapanatili ang mataas na pamantayan sa kaligtasan ng pagkain sa buong bayan. (VMF/RSO; JMB)